Ikandado ang mga motorsiklo – Ugale

-A A +A

By Ric Sapnu

Dateline: Olivas

Sunday, March 29, 2015


DAHIL sa mga patuloy na pagnanakaw ng mga motorsklo sa lalawigan ng Pampanga partikular sa Angeles City, ipinawagan ni Senior Superintendent Eden Ugale, Angeles City police director na palaging ikandado ang kanilang motorsiklo.

Sang-ayon kay Ugale ang paglalagay ng kandado sa mga motorcycle kapag ipinarada ito sa mga parking lot o sa mga kalsada kahit na papaano mahihirapan ang mga lawless elements sa pagtangay nito.

Hindi basta makukuha o mapapaandar ng mga motornaper ang target nilang mga motorsiklo dahil sa nakalagay na kandado.

Advertisement

Ito ang isang paraan upang kahit papaano ay magdadalawang isip ang mga tinaguriang motornapper upang nakawin ang isang motorsiklo.

Kung ibig nilang nakawin o tangayin ang isang nakadandong motorcycle kinakailangan nilang gumamit ng "false key," ayon pa kay Ugale.

Mahirap sigurong gawin ng mga motornapper na gumawa ng mga false key upang makapagnakaw ng mga motorcycle, ayon pa sa city director.

Naimungkahi ni Ugale ang paglalagay ng padlock sa mga motorcycle bilang bahagi ng kanilang kampanya na Oplan Lambat Bitag.

Ang Oplan Lambat Bitag ay hindi lamang sa mga motornapper, ito'y upang labanan ang anti-criminality lalo na ang robbery at theft sa lungsod.

Kaya naman hinihimok ni Ugale ang publiko na kung mayroon silang nakikitang illegal activities sa kanilang lugar ireport kaagad sa pinakamalapit na police station ng lungsod.

Mula nang ipatupad ang Oplan Lambat Bitag ng Angeles City police nag-decreased ang crime incidents sa lungsod lalo na ang robbery at theft, ayon pa kay Ugale.

Dahil naging epektibo ang Oplan Lambat Bitag, inatasan ni Ugale ang anim na chief of police station ng lungsod na lalong pag-igtingin ito.

Ang tanong dito, maaaring mahirapan ang mga motornapper na daglian nakawin ang nakaparadang mga motosiklo kung naka-padlock ito e kung gawin nila ay isakay sa kanilang mga van e di nanakaw din?

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on March 30, 2015.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!